WATER TREATMENT UPANG MATIYAK ANG LIGTAS AT MALINIS NA PATUBIG SA MGA KOMUNIDAD, ISINAGAWA SA ILANG BAYAN SA PANGASINAN

Isinagawa sa ilang bayan sa lalawigan ng Pangasinan ang aktibidad ukol sa sistema ng water treatment na may layong matiyak ang isang malinis at ligtas na mga patubig sa mga bara-barangay at sa komunidad.
Partikular na naisagawa ang nasabing aktibidad sa bayan ng Calasiao at Lingayen sa pangunguna ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Manila Water Company Inc. sa pakikipag-ugnayan ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Provincial Health Office upang umantabay sa pagsasagawa nito.
Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, sa pagsasailalim ng tubig sa proseso, maaalis ang mga nakakalasong kemikal, mikrobyo, at contaminants na maaaring magdulot ng sakit at komplikasyon sa kalusugan lalo na at katatapos lamang ng naranasang pagbaha dulot ng nagdaang bagyo sa ilang bahagi sa Pangasinan.

Samantala, magpapatuloy pa ang naturang paglilinis ng tubig sa mga bayan sa mga bayan ng Binmaley, Urbiztondo, Sta. Barbara, at Mangatarem. |ifmnews
Facebook Comments