WBA | Pacquiao, wagi matapos na mapabagsak si Matthysse sa round 7

Nasungkit ni Pinoy Champ Manny Pacquiao ang WBA Welterweight Title matapos talunin si Lucas Matthysse via Knockout sa kanilang bakbakan sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Unang napabagsak ng uppercut punch ni Pacquiao ang Argentinian Boxer sa round 3 ng kanilang laban at napaupo naman sa round 5.

Bagama’t naghigpit sa kanyang depensa si matthysse, hindi pa rin siya nakaiwas sa malalakas at solidong suntok ni Pacquiao hanggang sa hindi na nakabangon nang muling napabagsak sa 7th round.


Hindi naman daw inaasahan ni Pacquiao na mas maaga pa sa inaasahan niyang matatalo si Matthysse.

Labis naman ang pasasalamat ni Pacquiao sa lahat ng mga sumuporta sa kanya kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte na live na nanood ng kanyang laban sa Axiata Arena.

Nang tanungin kung may susunod na siyang laban ngayong taon, pag-uusapan pa raw ito ng kanyang kampo.

Matapos ang laban sa Malaysia, agad din daw siyang babalik sa Pilipinas para gampanan naman ang tungkulin sa bansa bilang public servant.

Facebook Comments