CONGRATULATIONS | Mga Senador, nagpaabot ng pagbati kay Manny Pacquiao

Manila, Philippines – Nagpaabot ng kanya-kanyang pagbati kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang mga kapwa nito Senador.

Sa kanyang pagbati, sinabi ni Senadora Nancy Binay na hinahangaan niya ang abilidad ni Pacquiao na pag-isahin ang mga Pilipino sa kanyang laban.

Ipinakita aniya ng Fighting Senator kung paanong bumangon muli at magtagumpay sa mga hamon ng buhay.


Tinawag namang “Fighting of The Century” ni Senador Juan Miguel Zubiri si Pacquiao na karapat-dapat lang ihanay sa pinakamahuhusay na boksingero sa mundo.

Pinasalamatan naman ni Senator Joel Villanueva si Pacquiao sa pagbibigay muli ng karangalan sa Pilipinas.

Kabilang din sa nagpaabot ng pagbati at paghanga kay Pacquiao sina Senators Sonny Angara, Richard Gordon, JV Ejercito, Win Gatchalian, at Senadora Cynthia Villar.

Facebook Comments