Manila, Philippines – Malamig na ang simoy ng hangin sa buong Luzon dahil sa hanging amihan.
Tail end of cold front naman ang umiiral sa silangang bahagi ng Visayas.
Tingnan ang *Calapan Beach *sa Oriental Mindoro pero magiging maulan sa MIMAROPA at Bicol Region.
Umakyat sa *Mines View Park* sa Baguio habang maulap ang kalangitan na may posibilidad ng mahihinang pag-ulan pagdating ng hapon sa natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
Mabighani sa kulay na dala ng *Pulang Bato Falls* sa Valencia, Negros Oriental pero magiging maulan sa buong Visayas.
Mamangha sa *Sunken Cemetery *sa Catarman, Camiguin pero magiging maulan din sa CARAGA, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula habang isolated thunderstroms ang asahan sa natitirang bahagi ng Mindanao.
Mapanganib pa rin sa mga maliliit na sasakyang pandagat ang mga baybayin ng Northern Luzon at silangang baybayin ng Central at Southern Luzon.
*Metro Manila – 26°c*
*Cebu City – 26°c*
*Davao City – 23°c*