Weather Report

Manila, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na mas makakaramdam ng mainit na panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
 
Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa easterlies o mainit at maalinsangang hangin mula sa Pacific Ocean.
 
Kaagad ding nilinaw ng Weather Bureau na hindi pa ito ang opisyal na pagsisimula ng tag-init o summer season dahil umiiral pa rin ang Northeast monsoon o hanging amihan sa hilangang bahagi ng Luzon.
 
Sa pagtaya ng PAGASA, aabot sa 35.9 degrees ang heat index sa Metro Manila.
 
Ang heat index ay ang temperatura na nararamdaman ng katawan ng isang tao batay sa air temperature at humidity.


Facebook Comments