Manila, Philippines – Patuloy na umiiral sa bansa ang amihan at tail end of cold front.
Dahil dito, maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora at Quezon provinces.
Bahagyang maulap naman ang kalangitan sa natitirang bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Asahan naman ang makulimlim na panahon sa Eastern at Central Visayas at Mindanao dahil sa tail end of cold front.
Samantala, nakataas pa rin ang gail warning sa Northern seaboard ng Northern Luzon, Northern Coast ng Ilocos Norte, Cuyo at Coron Island sa Palawan, Southern Coast ng Mindoro provinces, Eastern Coast ng Quezon, Northern at Eastern Samar.
Sunrise: 5:54 am
Sunset: 6:08 pm
Facebook Comments