Weather Report

71

Manila, Philippines – Patuloy na nagdadala ng mainit na panahon ang
easterlies sa silangang bahagi ng bansa.

Sa dulong hilagang bahagi ng Luzon, hanging amihan naman ang umiiral na
magdadala ng maaliwalas ng panahon partikular sa Ilocos Norte, Batanes
Group of Islands at Cagayan kabilang na ang Calayan at Babuyan Islands.

Asahan ngayong araw ang mahinang pag-ulan sa Visayas at Mindanao region.

Iiral naman ang maulap na papawirin na may kasamang mahina hanggang sa
katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms sa Northern Mindanao, Caraga
at Davao regions at central at eastern Visayas.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, asahan ang maulap hanggang
sa maaliwalas na panahon.

Agwat ang temperatura mula 25 hanggang 35 degress celsius.

Sunrise: 5:52 ng umaga

Sunset: 6:08 ng gabi

Facebook Comments