Manila, Philippines – Asahan ang mainit na panahon sa mga susunod na araw dahil sa paghina ng hanging amihan o northeast monsoon at pag-iral ng easterlies o hanging galing pacific ocean na magdudulot ng matinding init lalo na sa Luzon.
Sa kabila ng tag-init, mataas pa rin ang tiyansa ng tag-ulan lalo na sa bayan ng Dagupan, Zambales, at Baguio.
Para naman sa Visayas at Mindanao, magkakaroon ng maaliwalas na panahon maliban lang sa Zamboanga Peninsula na may tiyansa ng pabugso-bugsong pag-ulan.
Ligtas na makakapaglayag ang mga mangingisda dahil magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon sa mga baybayin sa buong bansa.
Maglalaro pa rin ang temperatura mula 25 hanggang 34 degree Celsius.
Sunrise: 5:58 sa umaga
Sunset: 6:07 sa gabi
Facebook Comments