Weather Report

Manila, Philippines – Posible nang magsimula ang tag-ulan sa susunod na linggo.

Ayon sa PAG-ASA, nasa transition period na ang panahon patungong habagat season.

Dahil dito, posible na ang madalas na pag-ulan sa Metro Manila at Western Section ng Luzon.


Naging maiksi ang tag-init ngayong taon dahil sa nahuli na ang pagsisimula nito dahil sa nabuong La Niña noong nakaraang taon.

Pero sa ngayon, asahan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon sa Luzon partikular sa Northern at Central Section.

Magiging maulan naman sa Visayas at Mindanao.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 27 hanggang 36 degrees Celsius.

*Sunrise: 05:28 ng umaga*
*Sunset: 06:16 ng gabi*

* DZXL558*

Facebook Comments