Manila, Philippines – Maulan sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa frontal system o hudyat sa nalalapit na habagat season o tag-ulan.
Dahil dito, maghanda sa malakas na ulan sa Mountain Province, Benguet, Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera at Central Luzon.
Maganda naman ang panahon sa Western at Central Visayas pero maulap at maulan sa Samar at Leyte.
Mas aktibo naman ang thunderstorm sa Mindanao partikular sa Zamboanga Peninsula, Bukidnon, Maguindanao, at Cotabato.
Dito naman sa Metro Manila, maulap ang panahon at may tiyansa ulit ng ulan sa hapon at gabi.
*Temperatura sa Metro Manila: 27-34°c*
*Heat index o damang init: 40°c*
*Sunrise: 5:27 ng umaga*
*Sunset: 6:17 ng gabi*
DZXL558
Facebook Comments