Manila, Philippines – Magdala ng payong o kapote dahil uulanin ang malakiang bahagi ng bansa ngayong araw dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Mayroong malakas na pag-ulan sa Mindanao lalo na sa Zamboanga Peninsula at CARAGA.
Sa Visayas, malaki rin ang posibilidad ng pag-ulan partikular sa Panay, Negros, Samar at Leyte.
Maawalas na panahon ang asahan sa buong Luzon pero inaasahan ang isolated rain showers sa hapon o gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees Celsius.
Sa kabila ng maulang panahon, ligtas pa ring makakapaglayag ang mga mangingisda dahil walang nakataas na gale warning sa anumang baybayin.
*Sunrise: 5:36 ng umaga*
*Sunset: 6:28 ng gabi*
*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*