Manila, Philippines – Maghanda na sa matinding init na mararanasan ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, posibleng pumalo ang heat index sa Metro Manila ng hanggang 41 degrees Celsius.
Sa Dagupan City na may 44 degrees Celsius habang 41 degrees Celsius sa Cabanatuan City.
Nasa 37 degrees Celsius naman sa Cebu City at 42 degrees Celsius sa Zamboanga City.
Ang init na nararanasan ngayon ay dahil sa paghina ng amihan at pag-iral ng easterlies o hangin na galing Silangan.
Sa kabila naman ng maalinsangan na panahon, may tyansa pa rin ng ulan sa ilang bahagi ng Dagupan, Zambales at Baguio City.
Sa Visayas at Mindanao, magiging maaliwalas din ang panahon maliban nalang sa isolated rain shower sa Zamboanga Peninsula.
Samantala, walang nakataas na gale warning sa anumang panig ng bansa kayat ligtas na makakapaglayag ang ating mga kababayan.
Facebook Comments