Manila, Philippines – Magiging mainit ang ating weekends dahil sa easterlies o mainit na hangin galing sa silangan.
Pero asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa kung kaya’t hindi pa opisyal na magsisimula ang tag-init.
Sa Luzon, makararanas ng pag-ulan sa bahagi ng Cagayan Valley sa umaga at thunderstorm naman sa may Northern Luzon sa hapon.
Inaasahan din ang thunderstorms sa Central Luzon kasama ang Bicol region.
Sa Visayas, magiging maaliwalas ang panahon sa may eastern section ngunit asahan ang pabugso-bugsong pag-ulan sa may bahagi ng eastern at western Visayas sa Linggo.
Maaliwalas din ang panahon sa Mindanao ngunit malaki ang tiyansa ng pag-ulan sa Zamboanga Peninsula, ARMM at Davao Region.
Sa Metro Manila, maalinsangan at halos walang pag-ulan at mag-handa dahil sa posibleng umakyat ang temperatura sa 41 degree celcius.
Sunrise: 5:53 ng umaga
Sunset: 6:28 ng gabi