Weather Report

Manila, Philippines – Bahagyang bumaba ang init ng temperatura dahil sa pagbabalik ng hanging amihan na makaa-apekto partikular sa extreme Northern Luzon.
 
Ang maalinsangang hangin dulot ng easterlies mula sa dagat pacifico ay patuloy pa ring mararanasan sa may silangang bahagi ng bansa.
 
Sa Luzon, asahan ang mahihinang ulan sa partikular sa may bahagi ng Batanes at Calayan Group of Islands.
 
Iiral naman sa Visayas ang banayad na panahon na may pabugso-bugsong mahihinang pag-ulan.
 
Maaliwalas at maulap na panahon ang asahan sa Mindanao ngunit asahan ang isolated thunderstorms sa ilang bahagi nito.
 
Makakanaranas naman ang Metro Manila ng banayad na panahon ngunit asahan din ang kalat-kalat na pag-ulan o rain showers.
 
Maglalaro ang temperatura sa Metro Manila mula 24 hanggang 35 degree Celsius.
 
Sunrise: 5:51 ng umaga
Sunset: 6:22 ng gabi


 

Facebook Comments