Patuloy na umiiral ang hanging amihan sa hilagang bahagi ng luzon habang may namuong Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao.
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang LPA sa layong 400 kilometro Silangan, Timog-Silangan ng Surigao De Sur.
Sa ngayon, wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Kasabay nito, asahan pa rin ang mga mahihinang pag-ulan sa Luzon partikular sa Cagayan Valley at Aurora Province.
Posible pa ring makaranas isolated rain shower sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa halos buong Visayas.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 22 hanggang 33 degrees Celsius.
SUNRISE – 6:10 AM
SUNSET – 6:05 PM
Facebook Comments