WEATHER UPDATE │Bagyong Paolo, lumakas

Manila, Philippines – Lalo pang lumakas ang bagyong Paolo habang lumalapit sa lupa sa Mindanao.

Ang bagyo Paolo ay isa nang severe tropical storm na may lakas na hangin na aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugso na nasa 115 kilometers per hour.

Base sa latest bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 765 kilometers silangan ng Guiuan, Eastern Samar.


Kumikilos ito pa-hilaga, hilaga-kanluran sa bilis na pitong kilometro bawat oras.

Magdadala ng pag-ulan ang bagyo sa bahagi ng Bicol Region, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments