Armasan ang sibilyan – VACC

Manila, Philippines – Isinusulong ng Volunteers Against Crime and Corruption na armasan na ang sibilyan matapos alisin sa Philippine National Police ang oplan tokhang at oplan double barrel.

Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, sa pamamagitan nito, matutulungan ang pamahalaan sa paglaban sa iligal na droga.

Bagamat hindi tutol si Jimenez na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency ang pagtutok sa war against drug, kulang naman aniya ang ahensya sa mga tauhan.


Tutol naman dito si PNP Spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos.

Ayon kay Carlos, pinapalakas naman ng pamahalaan ang kampanya laban sa kriminalidad.

Facebook Comments