Manila, Philippines – Patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area na nasa hilagang-silangan bahagi ng Mindanao.
Huling namataan ang LPA sa layong 175 kilometro ng hilagang -silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Papangalanan naman itong nando kapag naging bagyo ang naturang LPA.
Dahil dito, posibleng magkaroon ng pulo-pluong pag-ulan at pagkidlat sa buong Visayas, Mindanao, Bicol Region at mga probinsya ng Mindoro, Marinduque, at Romblon.
Hanging habagat pa rin ang siyang nakaka-apekto, partikular sa probinsya ng Palawan.
Malaki rin ang tyansa ng pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila, nasa 25 to 32 degree celsius.
*Sunrise: 5:45 am*
*Sunset: 5:52 pm*
Facebook Comments