Manila, Philippines – Magiging maulan pa rin sa ilang bahagi ng bansa.
Ito’y dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nasa katimugang bahagi ng Mindanao.
Kalat-kalat na pag-ulan ang mayroon sa kanluran at gitnang bahagi ng Visayas.
Buong araw na uulalin ang mindanao partikular sa CARAGA, Davao at SOCCSKSARGEN region.
Maaliwalas ang panahon sa halos buong Luzon pero mataas pa rin ang tyansa ng panandaliang ulan lalo na sa Metro Manila.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees celsius.
Sunrise: 5:45 ng umaga
Sunset: 5:48 ng hapon
Facebook Comments