Bersyon ng Kamara ng 2018 national budget, hawak na ng Senado

Manila, Philippines – Hawak na ng Senado ang bersyon ng Kamara ng 2018 general appropriations bill.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, sakaling maisumite na rin ang subcommittee reports ng Senate Committee on Finance, ihahain na rin ito sa plenaryo sa susunod na linggo.

Aniya, isasagawa ang marathon sessions para matapos agad ang interpellation sa mga ahensya bago ang isang buwang break ng Senado sa October 12.


Sakaling magbalik ang sesyon ng Senado sa November 13, inaasahang maaaprubahan na aniya sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang panukala.

Matapos ang mga prosesong ito, tatalakayin naman sa bicameral conference ang bersyon ng dalawang kapulungan para sa taunang pambansang budget.

Target naman aniyang maisumite sa pangulo ang gab sa ikalawang linggo ng Disyembre at maisabatas bago mag-pasko.

Facebook Comments