Weather Update!

Manila, Philippines – Dalawang Low Pressure Area ang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (LPA).

Ang una ay namataan sa layong 212 kilometers silangan ng Infanta, Quezon at ang pangalawa ay nasa 520 kilometers, silangan ng Surigao City.

Nakapaloob ang mga lpa sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).


Malabo na maging mga ganap na bagyo ang mga nasabing LPA.

Asahan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang pag-ulan Central at Southern Luzon partikular sa Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos Norte, Aurora at Quezon.

Ang Visayas naman ay uulalin din.

Sa Mindanao, halos buong araw uulalin lalo na sa Davao Region, SOCCSKSARGEN at ARMM.

May isolated thunderstorms pa rin ang asahan dito sa Metro Manila na may temperaturang mula 25 hanggang 31 degrees celsius.

Sunrise: 5:45 ng umaga
Sunset: 5:46 ng hapon

Facebook Comments