Manila, Philippines – Asahan pa rin ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Ito’y dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa timog ng Luzon, buong Visayas at hilagang Mindanao.
Asahan ang mga paminsan-minsang pag-ulan sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA kasama na ang Metro Manila.
May isolated thunderstorms naman sa Iloilo at Negros Island.
Maaliwalas naman ang panahon sa Zamboanga Peninsula, ARMM at SOCCSKSARGEN pero magkakaroon pa rin ng mga pag-ulan na hindi magtatagal.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 32 degrees celsius
Samantala, batay sa pagtaya ng PAGASA isa o dalawang bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan ng Oktubre.
Sunrise: 5:46 ng umaga
Sunset: 5:45 ng gabi