Weather Update!

Manila, Philippines – Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang low pressure area pero patuloy na makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) kabilang na ang Metro Manila.

Katam-tamang ulan rin ang iiral sa halos buong Luzon pagsapit na ang hapon maliban sa Cagayan Valley.

Maghapon naman ang tyansa ng pag-ulan sa buong Visayas habang uulanin rin ang Northern Mindanao, CARAGA region at iba pang parte ng Mindanao pagsapit ng hapon.


Temperatura sa Maynila, 25 hanggang 33 degree Celsius.

*Sunsire: 5:46 am*
*Sunset: 5:43 pm*

Facebook Comments