Manila, Philippines – Magpapatuloy ang maulang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Ito’y dulot Ng Low Pressure Area na nasa 300 kilometers kanluran ng Sinait, Ilocos Norte at inaasahang lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw.
Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region at ang gitnang bahagi ng Central Visayas.
Pinag-iingt naman sa posibleng pagguho ng lupa sa Cordillera, Cagayan Valley, Aurora, Rizal, Quezon Province at Camarines Norte.
Pero may isa pang bagong LPA ang nabuo 580 kilometers, silangan ng Legazpi City, Albay.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 30 degrees celsius.
*Sunrise: 5:46 ng umaga*
*Sunset: 5:40 ng gabi*
Facebook Comments