Weather Update!

Manila, Philippines – Asahan ang maulang maghapon ngayong araw sa Bicol Region, CALABARZON, Mindoro, Marinduque at Romblon.

Ito ay dahil na rin sa isang low pressure area na nasa layong 410 kilometers east ng Legazpi City.

Magdadala rin ang nasabing LPA ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Visayas, Cordillera Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Palawan, Aurora, Dinagat Islands, at Surigao Del Norte.


Isolated rain showers naman ang asahan sa nalalabing bahagi ng Mindanao at Luzon.

Facebook Comments