Mga protesta para sa pagkalas ng Catalonia sa Spain, lalong tumitindi

World – Pumalo na sa siyam na daang raliyista at tatlumput tatlong pulis ang sugatan sa nagpapatuloy na kilos-protesta laban sa pagkalas ng Catalonia sa Spain.

Ayon sa tala ng Spanish police, nasa mahigit tatlong daang libong residente ng Barcelona ang lumahok sa nasabing malawakang rally.

Ito na ang pinakamalaking protestang isinagawa ng mga pro-union group na naninidigang parte ng Spain ang Catalonia.


Una nang dumaan sa botohan ang Catalonia para sa isang referendum na humihiling ng kalayaan sa Spain at magtatag ng sariling bansa.

Gayunman, kinontra ito ng korte maging ng hari ng España sa pagsasabing iligal ang botohan kaya’t humantong ang sitwasyon sa kaguluhan.

Facebook Comments