Weather Update!

Manila, Philippines – Magiging maulan ang panahon sa malaking bahagi ng bansa dahil sa low pressure area malapit sa lalawigan ng Isabela.

Dahil ito’y nasa kalupaan, mababa ang posiblidad na maging isang bagyo ito.

Asahan ang maulap na kalangitan sa bahagi ng central luzon, kasama ang MIMAROPA, CALABARZON at Bicol Region maging sa Metro Manila.


Maaliwalas naman ang panahon sa malaking bahagi ng Visayas pero asahan ang isolated thunderstorms.

May mga ulan na hindi magtatagal sa Mindanao lalo na sa Zamboanga Peninsula, CARAGA at SOCCSKARGEN

Ang mga isolated thunderstorms ay magtatagal mula isa hanggang dalawang oras.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 30 degrees celsius.

*Sunrise: 5:46 ng umaga*
*Sunset: 5:39 ng hapon*

Facebook Comments