Manila, Philippines – Nananatili sa karagatan ang tropical depression ‘Odette’.
Huli itong nakita sa 730 kilometers east ng Tuguegarao City kung saan bahagya itong lumakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 65 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 26 kilometers bawat oras.
Nakataas ang storm warning signal number 1 sa sumusunod:
Cagayan (kasama ang Babuyan Group of Islands)
Isabela
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain province
Ifugao
Bukas ng umaga ay inaasahang magla-land fall ang bagyo sa bahagi ng Cagayan-Isabela.
Asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Northern Luzon.
Merong mahihinang pag-ulan sa natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.
Delikadong maglayag sa bahagi ng Northern at Eastern seaboard ng Northern Luzon.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 31 degrees celsius.
Sunrise: 5:47 ng umaga
Sunset: 5:38 ng gabi