Weather Update

Manila, Philippines – Dalawang weather system ang binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Una ay ang typhoon Paolo na huling namataan sa 870 kilometro, silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

May taglay itong lakas na hanging aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugsong 160 kilometers per hour.


Kumikilos ang bagyo sa pahilagang direksyon sa bilis na 50 kph at inaasahang lalabas ng par sa linggo ng umaga.

Ang ikalawa naman ay ang Low Pressure Area (LPA) na nasa 135 kilometers kanluran ng Coron, Palawan.

Ang pinagsanib pwersa ng dalawang weather system ay magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa central at southern Luzon kasama ang Metro Manila, sa buong Visayas at Mindanao.

Mapanganib na maglayag sa northern, western at eastern seaboards ng Luzon, western at eastern seaboards ng Visayas at northern, western at eastern seaboards ng Mindanao.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees celsius.

*Sunrise: 5:48 am*
*Sunset: 5:33 pm*

Facebook Comments