Weather Update

Manila, Philippines – Ramdam na hanggang hilagang Mindanao ang pinalakas na hanging amihan.

Bagamat magandang mag-groupie sa tanawin ng *Bulkang Taal* sa Tagaytay, magiging maulan sa CALABARZON, MIMAROPA, Aurora Province at Bicol region.

Mag-‘gimik Friday’ kasama ang mga tropa sa *Palaui Island* sa Sta. Ana, Cagayan pero may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley.


Mag *Museo Sugbo *sa Cebu sa umaga dahil posibleng umulan sa buong VISAYAS sa hapon o gabi.

Maganda ang panahon sa Mindanao lalo na sa mga pupunta sa *Butuan National Museum* pero asahan ang isolated thunderstorms.

Good weather din sa Metro Manila!

Nakataas ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela at Northern Quezon.

*Temperatura:*
Metro Manila: 27°C
Cebu City: 27°C
Davao City: 24°C

Facebook Comments