Weather Update

Manila, Philippines – Patuloy na inoobserbahan ng PAGASA ang tatlong weather system na umiiral sa bansa.

Apektado pa rin ng hanging amihan ang northern at central luzon kaya’t magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Metro Manila, Cordillera Region, Ilocos, Cagayan Valley at iba pang bahagi ng Cental Luzon.

Makakaranas naman ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang Calabarzon, Bicol region, lalawigan ng Aurora at Mindoro dulot ng tail of a cold front na siyang umiiral sa southern Luzon.


Habang magiging maulap at maulan din sa Caraga, Davao region, northern Mindanao at Soccsksargen dahil sa extension ng Low Pressure Area (lpa) sa southern Mindanao.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila 25 to 31 degree celsius.

Sunrise: 6:02am
Sunset: 5:24pm

Facebook Comments