Manila, Philippines – Dahil sa opisyal na pagsisimula ng tag-ulan, asahan ang mas malakas na buhos kumpara sa nakaraang taon.
Sa patuloy na pag-iral ng frontal system, magiging maulan sa Northern Luzon Partikular sa Cagayan, Isabela, Baguio at Zambales.
Sa Visayas, maaliwalas pero may paminsan-minsang pag-ulan.
Mataas naman ang tyansa ng ulan sa buong Mindanao lalo na sa Bukidnon, Misamis Occidental, Cotabato at Maguindanao dahil sa Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Magiging maaraw at mainit sa Metro Manila pero makakaranas ng pag-ulan sa hapon.
Sa mga lugar ng Rizal, Laguna, Bulacan at Nueva Ecija ay mararamdaman din ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Temperatura sa Metro Manila mula 27 hanggang 34 degrees Celsius.
*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:22 ng gabi*
DZXL558