Manila, Philippines – Simula na ng rainy Christmas season!
Umiiral na kasi ang *La Niña* na magdadala ng pag-ulan sa bansa at magtatagal ito hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon.
Sinabayan pa ng malamig na *hanging amihan* sa Luzon at *tail-end of cold front* naman na nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.
Tampisaw na sa *Palani White Beach* sa Masbate pero may pag-ulan sa Aurora Province, Bicol region, CALABARZON at MIMAROPA.
Mag-“flashback Friday” sa *Corregidor* pero magiging maulan din sa natitirang bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
Mabighani sa *Iloilo river esplanade* sa gabi dahil maaliwalas ang panahon sa Visayas maliban sa silangang bahagi.
Pasyalan ang *Mobod Fish Sanctuary *sa Oroquieta, Misamis Occidental dahil maganda ang panahon sa Mindanao maliban sa isolated thunderstorms.
Delikado pa ring maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Ilocos Norte at Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan at Isabela.
*Baguio City – 16°C*
*Tagaytay – 22°C
*metro Manila