UPDATE | Wildfire sa Southern California, matindi ang pinsalang idinudulot

25

World – Matinding pinsala ang idinudulot ngayon ng apat na malawakang wildfire sa Southern California.

Ang mga bayan ng Thomas, Creek, Rye at Skirball ang apektado ng mga hiwalay na wildfires.

Pahirapan ang mga bumbero at militar sa pagkontrol sa apoy dahil sa malakas na hangin.

Problema na rin ngayong ang makapal na usok na iniiwasang malanghap ng mga rumeresponde.

Aabot na sa 116,000 acres ang nasusunog habang 110,000 Californians ang lumikas.

Facebook Comments