Weather Update

Manila, Philippines – May tyansa ng isolated rain shower sa Metro Manila ngayong isinasagawa ang traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon sa PAGASA, simula ngayong tanghali hanggang hapon may posibilidad ng mahihinanang ulan.

Pero magiging maalinsangan parin sa buong maghapon kung saan maaring pumalo ng 36 degrees celsius ang heat index o damang init.


Kaya paalala sa mga makikilahok sa prusisyon, na bukod sa pagdadala ng panangga sa ulan ay magbaon ng tubig para maiwasan ang dehydration.

Samantala, mababa naman ang tyansa ng ulan sa halos buong Luzon gayundin sa Visayas kung saan umiiral ang northeast monsoon o hanging amihan.

Pero asahan ang thunderstorm sa CARAGA at Davao region sa Mindanao dahil sa easterlies o hanging galing sa silangan.

Sunrise – 6:24am
Sunset – 5:43pm

Metro Manila 23 – 31 °C
Metro Cebu 25 – 31 °C
Metro Davao 25 – 32 °C

Facebook Comments