Weather Update

Manila, Philippines – Umiiral ang southwest monsoon o habagat sa dulong hilagang Luzon.

Dahil dito, patuloy ang mahihinang pag-ulan sa probinsya ng Batanes gayundin sa Calayan at Babuyan Group of Islands.

Sa Visayas, aktibo pa din ang thunderstorms na siyang magpapaulan sa eastern at western section lalo na sa Aklan.


Humina naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao kaya hihina at magkakaroon na lamang ng paminsan-minsang pag-ulan sa malaking bahagi ng rehiyon kabilang na ang Maguindanao.

Sa Metro Manila, maaliwalas ng panahon na may posibilidad ng pag-ulan sa hapon o gabi.

Agwat ng temperatura mula 28 hanggang 33 degrees Celsius.

Wala pa ring nakataas na gale warning sa alinmang baybayin sa bansa.

*Sunrise: 5:26 ng umaga*
*Sunset: 6:22 ng gabi*

* DZXL558*

Facebook Comments