Manila, Philippines – Isang tropical depression ang binabantayan sa layong 1,355 kilometers silangan ng Mindanao.
Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw at tatawagin itong ‘Basyang’
Bagamat wala pa itong epekto sa bansa, hanging amihan ang nakakaapekto sa Luzon lalo na sa Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos Region.
Maaliwalas na may posibilidad ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
Sa Metro Manila, maganda ang panahon pero may tyansa ng mga mahihinang pag-ulan.
Facebook Comments