WEATHER UPDATE | 2 bagyo na nasa labas ng bansa, patuloy na pinalalakas ang hanging habagat

Hinahatak ng dalawang bagyo na nasa labas ng bansa ang hanging habagat na nagdadala ng pag-ulan sa Luzon.

Ang unang bagyo na may international name na ‘Leepi’ ay namataan 1,965 kilometers silangan-hilagang-silangan ng extreme northern Luzon.

Ikalawa ay ang bagyong Karding na nag-landfall na sa China, nasa 960 kilometers hilaga ng extreme northern Luzon,


Asahan tuloy-tuloy na pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon at Mindoro Provinces.

Paminsan-minsang mga pag-ulan na minsan ay may kalakasan sa Cagayan Valley, Palawan at Bicol Region.

Sa buong Visayas at Mindanao ay ang magandang panahon.

Facebook Comments