Weather Update

Manila, Philippines – Mas pai-igtingin pa ng Low Pressure Area ang nararanasang baha at posibleng landslide sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.

Huling namataan ang LPA sa layong 35 kilometro sa hilagang silangan ng Dumaguete, Negros Oriental.

Nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang namumuong sama ng panahon kaya asahang tatagal pa ang ganitong epekto sa mga susunod na araw.


Ngayong umaga, muling nagtaas ng yellow warning sa Siargao Island, Zamboanga Del Sur at Zamboanga Sibugay.

Apektado din nito ang Cebu, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, Capiz, Aklan, Iloilo AT Antique.
DZXL558

Facebook Comments