Russia – naglunsad ng panibagong missile test bilang tugon sa Amerika

World – Naglunsad ng panibagong missile test ang Russia bilang tugon sa missile test ng Amerika na isinagawa noong huling bahagi ng Mayo.

Isang zircon hypersonic missile na isa sa pinakabagong armas ng Russia, ang pinakawalan sa hindi pa matukoy na lugar.

Ang missile ay may bilis na 4,600 hanggang 6,100 miles kada oras.


May kakayahan din itong makapanira ng mga warship sa loob lamang ng isang kisapmata gamit ang mga nuclear warhead.

DZXL558

Facebook Comments