Manila, Philippines – Manila, Philippines – Mararamdaman ang extension ng High Pressure Area sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas, na dahilan ng mainit na panahon sa buong bansa at posibilidad ng thunderstorm lalo na sa hapon.
Habang katamtaman hanggang sa malakas na hangin naman mula sa timog-kanluran ang madarama sa dulong hilagang Luzon at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.
Sa ibang dako, ang hangin ay mahina hanggang sa katamtamang mula sa timog-silangan hanggang timog-kanluran na may mahina hanggang sa katamtaman ang pag-alon ng karagatan.
Samantala, wala namang nakataas na gale warning sa anumang parte ng bansa kaya ligtas ang pagpalaot sa karagatan.
Sunrise: 5:27 AM
Sunset: 6:27 PM
Facebook Comments