Manila, Philippines – Magpapatuloy ang maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, posibleng umakyat ngayon sa 40 degrees celsius ang heat index sa Metro Manila at Cabanatuan City.
Sa Dagupan City, maaring umabot sa 39 degrees celsius ang heat index.
37 degrees celsius sa Cebu City, Tacloban city 35 degrees celsius.
Sa Davao City, 37 degrees celcuis habang 38 degrees celsius sa General Santos City.
Sa kabila naman ng mainit na panahon, posibleng umiral muli ang hanging amihan sa weekend.
Sa ngayon, easterlies o mainit na hanging mula Pacific Ocean ang nagdadala ng thunderstorm sa eastern section ng Visayas at Mindanao maging sa ilang panig ng Palawan.
Sunrise – 5:53 am
Sunset – 6:08 pm
Facebook Comments