Manila, Philippines – Papalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong ‘Emong’.
Huling itong namataan sa layong 570 kilometro north-northeast ng Basco, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa bilis 30 kilometro kada oras sa direksyong pa-hilagang kanluran.
Ang bagyo ay may lakas na hangin na aabot sa 90 kph at bugong aabot 115 kph.
Sa Luzon, habagat pa rin ang nakakaapekto sa halos buong bansa na magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan partikular sa MIMAROPA region.
Sa Visayas, may mahihinang pag-ulan lalo na sa kanlurang bahagi.
Sa Mindanao, asahan ng ang mga mahihinang pag-ulan lalo na sa Zamboanga peninsula at hilagang bahagi.
Sa Metro Manila, may isolated thunderstorms pa rin sa hapon o gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees Celsius.
*Sunrise: 5:31 ng umaga*
*Sunset: 6:29 ng gabi*