Weather Update!

Manila, Philippines – Magiging maulang pa rin ang halos buong bansa dahil sa umiiral ang monsoon trough.

Sa Luzon partikular sa Ilocos, MIMAROPA, Cagayan ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Ganitong panahon din ang asahan sa western at eastern Visayas.


Sa buong Mindanao, magkakaroon ng isolated thunderstorm.

Sa Metro Manila, may posibilidad ng ulan mamayang tanghali hanggang sa hapon.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees Celsius.

Walang nakataas na gale warning sa anumang baybayin sa bansa.

*Sunrise: 5:32 ng umaga*
*Sunset: 6:29 ng gabi*

Facebook Comments