Weather Update!

Manila, Philippines – Patuloy pa ring umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nasa katimugang bahagi ng bansa.

Asahan ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Luzon partikular sa MIMAROPA at Bicol region.

Maulap naman sa buong Visayas.


Mayroong mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Mindanao lalo na sa hilagang bahagi at sa CARAGA region.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon, magiging maganda ang panahon na tyansa ng pag-ulan sa hapon o gabi.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 26 hanggang 32 degrees Celsius.

Walang nakataas na gale warning sa anumang baybayin sa bansa.

*Sunrise: 5:33 ng umaga*
*Sunset: 6:29 ng gabi*

*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*

Facebook Comments