Manila, Philippines – Patuloy na nakakaapekto ang habagat sa hilagang bahagi ng Luzon.
Magiging maulap ang kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Batanes, Calayan Group of Islands, Aurora, Ilocos, Zambales, Bataan at MIMAROPA.
May isolated thunderstorm sa Visayas lalo na sa Panay, Negros Island at Cebu.
Ganito rin ang asahang panahon sa buong Mindanao.
Maaliwalas naman ang panahon dito sa Metro Manila.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 25 hanggang 33 degrees Celsius.
Ligtas namang makakapaglayag ang mga mangingisda dahil walang gale warning sa anumang baybay sa bansa.
*Sunrise: 5:35 ng umaga*
*Sunset: 6:29 ng gabi*
Facebook Comments