Manila, Philippines – Namataan ang isang Low Pressure Area (LPA) sa layong 440 kilometers East, Northeast ng Guiuan Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA, posible itong maging bagyo sa mga susunod na araw kaya mataas ang tyansa ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Sa Luzon, makakaranas ng pag-ulan at thunderstorm sa Bataan, Zambales, Ilocos region at Cordillera region.
Habang sa Zamboaga Peninsula, *SOCCSKSARGEN**, ARMM* ay makakaranas ng maghapong pag-ulan ngayong araw.
Apektado rin ng LPA ang parte ng Western Visayas.
Agwat ng temperaturang mararamdaman sa Metro Manila ay aabot sa 24 to 31 degrees Celsius.
Sunrise- 5:37 AM
Sunset- 6:27 PM
Facebook Comments