Manila, Philippines -Patuloy na hahatakin ng bagyong Gorio ang habagat na magpapaulan sa rehiyon ng Ilocos, Bataan, Zambales at Cordillera.
May mahihina hanggang sa katamtaman pa ring pag-ulan ang asahan sa Metro Manila sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Huling namataan ang bagyong Gorio sa layong 215 kilometers Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.
Lalo pa itong lumakas sa 145 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 180 kph.
Inaasahang maglalandfall ito sa Taiwan mamayang tanghali o hapon sa bilis na 17 kph.
Nakataas pa rin ang signal no. 2 sa Batanes at signal no. 1 sa Babuyan Group of Islands.
Inaasahang lalabas sa Philippine area of responsibility ang bagyo bukas ng umaga o bago magtanghali.
Facebook Comments