Weather Update!

Manila, Philippines – Patuloy na nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa lalawigan ng Palawan,Visayas at Mindanao.

Dahil dito, maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at paminsan-minsan na malakas na pag-ulan, pagbugso ng hangin at pagkidlat ang mararanasan sa Mindanao, kanlurang kabisayaan at lalawigan ng Palawan.

Sa Metro Manila ay asahan na rin ang thunderstorm pagdating ng hapon kaya’t siguradong panira ito sa pamamasyal.


Bagama’t may thunderstorm sa hapon, maalinsangan pa rin sa Maynila dahil ang agwat ng temperatura ay mula 26 degrees hanggang 33 degrees Celsius.

Sunrise: 5:42AM
Sunset: 6:18PM

Facebook Comments