Weather Update!

Manila, Philippines – Magiging mainit ang panahon sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa ridge o extension ng High Pressure Area.

Posibleng pumalo sa 40 degrees celsius ang heat index o damang init sa Metro Manila, Laoag at 40 degrees celsius sa Tuguegarao.

Huwag kalimutan magdala ng payong at magpabaon ng tubig dito sa Metro Manila, Northern at Central Luzon.


Sa Batangas naman, umulan ng yelo sa Nasugbu, Batangas na kasing laki ng holen ang mga yelo at tumagal ng limang minuto ang hailstorm.

Wala naman na-ireport na nasugatan dahil dito.

Samantala, may tyansa pa rin ng ulan mamayang hapon sa bahagi ng Southern Luzon dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Mataas din ang posibilidad ng ulan sa Iloilo, Bacolod, Dumaguete at Samar.

Sa Mindanao, asahan ang isolated rain shower sa Zamboanga Peninsula, Bukidnon, Cagayan de Oro at sa Cotabato.

*Sunrise: 5:42AM*
*Sunset: 6:18PM*

Facebook Comments